Sunday, June 20, 2010
wala ng bawian

Paano kaya kung siya yung pinili mo? may pagkakaiba ba dun sa isa?. sa tingin mo magiging masaya ka? mas kuntento? siguro mas maibibigay nya yung hinahanap mo? marahil mas magkakaintindihan at mag kakasundo ng trip. mas bagay siguro kayo. mas magiging ok ata pag kayong dalawa.
Minsan mapapaisip ka at tatanungin ang sarili bakit ngayon mo lang naisip yon. Minsan darating ka sa punto na “Nagkamali ba ko ng desisyon?” maaaring tama, maaaring mali. Kung ano pa man yon, walang nakakaalam ng sagot. Sa huli lang talaga natin malalaman. dalawa lang naman yan, yun eh kuntento ka na sa napili mo at masaya ka na hindi mo pinili yung isa o manghihinayang ka sa nagawang pagkakamali at hihiling na sana maibalik sa dating panahon para yung isa na lang ang pinili mo na hindi naman na mangyayari. Sa huli lang talaga naten malalaman kung bakit sya at hindi ako este yung isa ang napili mo este nya.
No comments:
Post a Comment